Lahat tayo ay nagpasalamat sa magandang balita na inihatid ng pamilya at sa lahat ng mga tao na sumuporta, tumulong, nagdasal sa kalayaan ni Dondon Lanuza.  Ang hari ng Saudi Arabia ay tumulong para mabuo ang ‘blood money’ na bayad pinsala sa pamilya ng biktima na nasawi ni Dondon. Alam naman natin na ginawa niyo iyon dahil sa pagtanggol sa kanyang buhay.

Sa araw na ito ay nakamit na ni Dondon ang kalayaan at ito ang mensahe niya na mula sa Dondon Lanuza Facebook Page Account:

Ako po ay lubusang nagagalak sa isang napakagandang balita. Naipahayag na po ng Bise Presidente Jejomar Binay na ako po ay LIGTAS NA SA PARUSANG BITAY.

Dondon Lanuza
Maraming maraming salamat una sa Panginoon at Kanyang dininig ang aking taimtim na panalangin. Sa Saudi Government at sa pamilya ng aking nasawi.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng taong tumulong at naging parte ng aking freedom campaign. Hindi ko na po muna mailalahad ang lahat ng pangalan na aking nais pasalamatan at baka po ako ay may makaligtaan. Ngunit alam ko sa puso at isip ninyo kung sino sino kayo na mga walang sawang sumuporta, nagdasal at nagbigay ng tulong pinansiyal para sa aking kalayaan.

Hinihingi ko po ang inyong patuloy na suporta at dasal para sa mabilis na proseso ng aking paglaya. Nawa ay wala nang maging hadlang o balakid upang makamit ko ang matagal ko nang minimithing kalayaan.

Nakikiusap din po ako sa patuloy po ang ating bayanihan para sa iba pang taong nangangailangan lalong lalo na sa maraming OFWs na nangangailangan ng tulong. Makakaasa po kayo na kaisa ninyo ako sa pagtulong sa ating kapwa Pilipino.

Patuloy po kami na magbibigay ng updates patungkol sa aking kaso.

Mula po sa aking puso kaisa ng aking buong pamilya, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Diyos na ang bahalang gumanti sa inyong kabutihang loob. Message Source

Ang mga OFWs at OFs sa buong mundo ay nagagalak sa magandang balita at hangad namin ang maliwanag na pagharap sa buhay na ipinagkaloob ng Maykapal sa iyo. Kami at ang mamayang Pilipino ay masaya sa nakamit mong bagong buhay. Congratulations! God bless .

Photo Credit : www.allvoices.com

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel via Twitter.
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry